Saturday, February 22, 2014



Mga Sikat na Personalidad Sa Bicol 

 
Aga Muhlach
Si Aga Muhlach ay isang artistang Pilipino. Unang siyang lumabas sa pelikula noong kalagitnaang bahagi ng dekada 1970. Higit siyang nakilala nang lumabas ang pelikulang Bagets noong 1984.
 
Nora Aunor


Si Nora "Guy" Aunor (ipinanganak bilang Maria Leonora Teresa Cabaltera Aunor noong Mayo 21, 1953) ay isang mang-aawit na Pilipino, artista at producer na tinaguriang Superstar. Naging artista din siya sa maraming palabas sa entablado sa telebisyon at mga concert. Siya ang unang artistang babae na nagwagi ng International Best Actress Award sa Cairo International Film Festival para sa pelikulang "The Flor Contemplacion Story" Siya ay ang nag-iisang artistang babae ng pelikula na napabilang sa 100 Centennial Honor for the Arts na iginawad ng Cultural Center of the Philippines noong 1999. Naging asawa niya si Christopher de Leon at dalawang beses pang ikinasal ngunit sa kalunan, naghiwalay ang dalawa.
Ang kanyang mga anak ay sina Ian de Leon, Lotlot de Leon, Matet de Leon, Kiko de de Leon at Kenneth de Leon.

Venus Raj
Si Raj ay ipinanganak sa Doha, Qatar sa amang si Vincent Raj at inang si Ester Bayonito. Ayon sa kanya, siya ay lumaki at tumira sa Bato, Camarines Sur matapos maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Mula noon ay itinaguyod siya ng kaniyang ina, na isang mananahi at magsasaka. Kasama ng kaniyang mga kapatid, tumulong din sa pagsasaka si Raj at ayon sa kaniya, natuto siyang maglakad na tulad ng isang model sa pamamagitan ng paglalakad sa mga makikipot na dike ng palayan.
Sa edad na 17 ay nagsimula siyang sumali sa mga beauty pageants. Ito ang kanyang ginamit upang maibili ng hulugang lupa ang ina sa Bicol. 





















 

No comments:

Post a Comment