Mga Ipinagdiriwang na Pista sa Bicol
Pista ng Peñafrancia
Ang Ina ng Peñafrancia o Birhen ng Peñafrancia "Ang Ating Ina ng mga Pighati ng Francia ay isang pamagat para sa Birheng Maria at kinakatawan ng isang po-on o estatwang kahoy ng Birheng Maria na matatagpuan sa Lungsod ng Naga, Pilipinas. Ang estatwang ito ng Birheng Maria ay kinopya mula sa isang nasa Peña de Francia sa Salamanca, Espanya.
Libu-libong mga manlalakbay (mga peregrino), mga deboto, at mga turista
ang nagpupunta sa Lungsod ng Naga tuwing Setyembre para sa isang
kapistahan, na tinatawag bilang Pista ng Peñafrancia, na nagtatagal nang siyam na mga araw, bilang pagpaparangal sa Ina ng Peñafrancia, ang patrona (tagapag-adya) ng Bikol.
Ang imahen ng Birheng Maria na tinaguring Mahal na Birhen ng Peñafrancia
o Ina ng Peñafrancia ay siyang pintakasi ng buong Kabikolan. Ito ang
naging tanggulan at sandigan ng mga Bikolano sa loob ng 300 taon.
Nagsimula ang pamimintuho sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia sa bansang Espanya
na kung saan ang orihinal na imahen ng nasabing Birhen ay nakita ng
isang lalaking nagngangalang Simon Vela sa kabundukan ng Peña de Francia
sa pagitan ng Caceres at Salamanca.
Ang larawan nito ayon sa imaheng Bicolano ay nakatayong imahen ng
Birhen na walang kamay at tanging ulo lamang ng Birhen at ng Sanggol ang
nakikita. Ito ay may sukat na nasa dalawa o dalawa't kalahating
talampakan. Ang buong katawan ng imahen ay nababalutan ng bakal kung
kaya't tanging ulo lamang ng Birhen at ng Sanggol ang nakikita. Ang
dahilan nito ayon sa ibang mga haka haka ay para maiwasan ang pagkasira
ng Birhen at dahil ang Birhen ay isang uri ng imahen na tinatawag na
de-talyadang imahen. Ito ay kopya ng imahen na nasa Espanya. Sinasabi daw na ang Birhen ng Peñafrancia ay nasa ilalim ng adbokasiya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.
Pista ng Magayon
Ang Magayon Festival 2012, ang pangunahing
pista ng Albay, ay tiyak na kalulugdan ng mga turista at bisita sa
lalawigan ngayong Abril. Ang masiglang mga tampok nito ay maghahatid at
magpapabatid sa kanila sa maalamat at makulay na kasaysayan ng
lalawigan.
Tampok sa isang buwang
selebrasyon mula Abril 10 hanggang Mayo 10 ngayong taon, ang halos 150
mga natatanging kaganapan at programa na kinabibilangan ng mga gawaing
pangkultura at sining, pangkalakalan at industriya, pang-turismo,
palakasan, biyahe sa kainan o “culinary food trips”, at “special
interests”.
Ayon kay Albay Gov. Joey
S. Salceda, sa Magayon Festival 2012 ay ipapakita sa madla hindi lamang
ang kahusayan at ganda ng kalooban ng mga Albayanon, kundi ito’y pista
ng kasayahan na magsusulong din sa turismo, kalakalan at industriya
tungo sa kaganapan ng layuning kaunlaran ng lalawigan.
Mayaman sa kasaysayan at
magagandang tanawin gaya ng Mayon Volcano na halos perpekto ang hugis
“cone” nito, at ng Cagsawa Ruins na ang natirang nakalitaw
ng simbahang inilibing ng pagsabog ng Mayon noong 1816 ay ang tuktok ng
kampanaryo nito, binibigyan ng Albay ng pansin ang pagpapasulong sa
turismo nito.
No comments:
Post a Comment